Friday, September 30, 2005

may yagbols

Pilosopong pacio (01Oct05)


OKTUBRE na.
Ilang tulog na lang Pasko na.
Wala pa ring DATUNG ang mga Pinoy.

----$$--
IAATRAS ng Japan ang kanilang mga sundalo mula sa Iraq.
Ikalawang PAGSUKO ito ng mga Sakang mula noong World War II.

-----$$--
NAKAKAHALATA na kasi ang Japanese government na INUUUTO lang sila ni US prez George Bush.
Buti NAUNTOG na sila.

----$$--
GRABE na ang sitwasyon sa Baghdad kasi’y pati babae at nag-SUICIDE BOMBER.
Ito kasi ang PINAKABANAL na Gawain upang makarating kay San Pedro ang kanilang KALULUWA.

----$$---
KUMONTRA na rin si Ateneo Law School deam Father Joaquin Bernas kay PGMA.
Tsk, tsk, tsk, mistula siyang NAUUPOS na kandila.

-----$$--
MARAMI ang nanghuhula na mapapatalsik sa Malacanang si PGMA bago may Bagong Taon.
Huhhhh, napangisi si Madame Auring.

-----$$--
GALIT na rin ang mga kadete sa Philippine Military Academy (PMA) sa pagkakasibak kay Brig. Gen. Francisco Gudani.
Huhhh, GUDAN’IT?

----$$--
HANDA raw mamatay si Gen. Gudani sa kanyang pinaninindigan.
Iyan ang tunay na SUNDALO.
May yagbols!

---30--

malas

Editorial (01Oct05)

HINDI na yata tatantanan ng problema si Pangulong Arroyo.
Napapagitna naman ngayon ang $503 million Northrail Transit project mula Caloocan hanggang Bulacan.
Hindi pa tapos ang $75,000 a month PR deal kung saan naospital pa ang signatories sa kontrata na si Security adviser Norberto Gonzales nang igisa sa Senado.
Tumalikod pa sa chain of command si Brig. Gen. Francisco Gudani at isa pang AFP officer nang tumestigo sa Senate hearing kaugnay ng hindi pa rin natatapos na “Hello Garci” tape.
Bangkarote pa ang ekonomiya at patuloy pa rin ang paglobo ng presyo ng petrolyo sa world market, laganap ang kriminalidad at marami pang malalakas na bagyo ang maaaring sumalanta.
Ano pa kaya ang susunod na problema ni PGMA?
Kudeta, asasinasyon, pagbagsak ng eroplano o People’s Power?
----30---

Thursday, September 29, 2005

kudeta

Saksi (30Sep05)


MAUGONG na naman ang tangkang kudeta.
Kasi'y lantarang nagbunyag ang dalawang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng pagtatangka na dayain ang 2004 election gamit ang sandatahang lakas.
Sinibak naman agad ng Malacanang sa serbisyo ang dalawang AFP officers na tumestigo sa Senado na lalong nagpapaliyab ng tsismis na hindi malayong magkaroon ng kudeta bago matapos ang taong ito.
Naniniwala naman ang oposisyon na ibinubuyo mismo ng Malacanang ang mga sundalo at taumbayan na mag-alsa at pumagitna sa lansangan upang magkaroon ng katwiran na ideklara ang State of Emergency.
Ang State of Emergency ay pasakalye lamang sa deklarasyon ng Martial Law kung saan kokontrolin ng gobyerno ang negosyo at sisikilin ang karapatang pantao.
Pero, nagdududa ang mga eksperto kung may sapat na lakas ng loob si PGMA na ideklara ang Batas Militar.
Kasi'y ito ay magagawa lamang ng isang Pangulo na “may bayag”.
---30---

Ilonggo vs Ilongga

Pilosopong pacio (30Sep05)

ILILIPAT ng mga militante ang kanilang
protesta sa mga air condioned malls.
He, he, he mas PRESKO dyan!

----$$$---
MAS mainam kung isasagawa ang protesta sa FOOD COURT.
Habang tsumitsibog ay NAGTATALUMPATI.

----$$---
PERO, may bago akong MUNGKAHI.
Bakit kaya hindi ninyo gawin sa LOOB NG SINEHAN?
Mas klik yan.Mahihirapan ang mga PARAK
na i-disperse kayo—kasi MADILIM.

---$$---
INAASAHANG mapapahamak si Ate Glo kapag SISIBAKIN
ang lahat ng heneral na magsasalita sa Senate hearing.
Iyan ang MITSA ng kudeta.

---$$---
MARAMI na ang namamatay sa SOBRANG
PAGTATAE sa Catanduanes.
Bumaho na raw ang buong lalawigan.

---$$--
BAWAL na ang magbiyahe ng mga IBON.
Lalo't nakabitin ito sa PAGITAN NG DALAWANG HITA.

---$$---
SINIMULAN na rin ang IMBESTIGASYON
ng anomalya sa P28 bilyong Northrail Transit.
Namumutla na si Speaker JDV.

---$$---
KURSUNADA ni PGMA si Sen. Miriam na ipalit
kay Senate President Frank Drilon.
ILONGGO VERSES ILONGGA.

---30----

Wednesday, September 28, 2005

Pangontra

Saksi (29Sep05)

GAGAMITIN na ng administrasyong Arroyo ang kamay na bakal sa pagkontra sa mga demonstrasyon sa gitna ng kalye.Ibabasura na ang maximum tolerance na ginamit ni dating Pangulong Marcos na siyang naging dahilan kung bakit dumagsa ang mga Pinoy sa gitna ng kalsada na nang lumaon ay naging People's Power. Ang maximum tolerance din ni Pareng Erap ang mismong nagpalobo ng tao sa Edsa 2 kung saan bumaliktad bigla ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Upang hindi matulad kina Makoy at Erap, ipatutupad agad ni PGMA ang “No Permit, No Rally Policy” kaya't bago pa man umuusbong sa pagdami ang ralista ay agad itong bubuwagin—kahit sino man ang masaktan at mamatay. Pinakahuling insidente ay ang pagkakadakip ng 11 ralista sa Mendiola.Malinaw na epektib ang ganitong pakontra sa People's Power. Kumbaga, saka na lang pagdebatehan sa korte--- kung labag ito sa Konstitusyon, ang mahalaga, nananatili si PGMA sa Malacanang---hanggang ngayon. Kung hanggang kailan? Walang makakasagot!---30---

tulo-laway

Pilosopong pacio (29Sep05)

MAY giyera-sibil sa Subic Bay Freeport.
Nag-aaway sila kung sino dapat MAGHARI SA SMUGGLING.

----$$--
NAGBITIW na si Rep. Imee Marcos bilang miyembro ng Commission on Appointment (CA).
Mainam naman.
At nagkaroon siya ng DELICADEZA.

---$$--
GUSTO ng socialist party ni Sec. Norberto Gonzales na buwagin ang Senado.
Magandang mungkahi yan.
Pero, isama na rin ang buong Kongreso, Malacanang, AFP at PNP.
Mamundok na lamang tayong lahat.
O kaya ay MAG-ABROAD.

----$$--
NINENERBIYOS si Speaker JDV sa imbestigasyon ng Senado sa P26 bilyong North Rail Transit.
Lalabas kasi na dito NAGMULA ang “PR FUND” sa Charter Change.
He, he, he...

-----$$---
NABALAM ang biyahe ng Qatar Airways flight QR 645 sa NAIA airport nang matuklasan kasama sa eroplano ang isang DAGA.
Inaalam pa kung ano ang NATIONALITY NG DAGA.

-----$$--
ISANG TRILYONG PISO ang budget sa 2006.
Nanangkupooooo!

-----$$-
HAHATULAN na ng Korte Suprema ang isyu hinggil sa EVAT.
Aba, nagkukunwari pa kayo, eh, MAGKAKAKUTSABA naman kayo.
Mga duhapangggg!

-----$$--
BIBIGYAN ng magarbong pagsalubong sa Maynila si Miss International Precious Lara Quigaman.
Hindi kaya tumulo ang laway ng mga PALIKERONG PULITIKO?

---30--

Friday, September 16, 2005

uupo sa survey forms

pilosopong pacio (17sept05)

HINDI pa pala uuwi sa bansa si Big Mike.
Mabuti naman!

----$$--
MAY kutob na nagmula sa US ang mismong Hello Garci tape.
Talagang ang mga KANO ang nanggugulo sa mga Pinoy.

----$$--
BINA-BLACKMAIL ng Kano si PGMA upang magmatigas ito sa PAGPAPATUTA.
He, he, he!

----$$--
AABOT sa $5 bilyon ang remittances ng mga OFWs.
Sila ang tunay na BAYANI na niloloko ng gobyerno.

----$$--
SINALUBONG si Manny Pacquiao na mistulang BAYANI.
Maraming naghihintay sa kanya.
Na mga MANGUNGUTANG.
At estapadores.

----$$--
HAHATULAN ng mga KANO si US Prez George Bush kaugnay ng Hurricane Katrina, ,Iraq War at 9/11 attack.
Bokya ang aabutin niya.

---$$--
AYON sa isang survey, si ex-Sen. Loren Legarda ang nanalo bilang bise presidente.
Puwede na siyang MAUPO sa SURVEY FORMS.

----$$--
NABAWASAN daw ang bilang mga WALANG TRABAHO.
Kahit na-RECRUIT sila bilang SNATCHERS na nagku-QUOTA sa mga parak.

---30--

Thursday, September 15, 2005

Bahala si Bathala

Editorial (16Sep05)

PATULOY pa rin ang paglobo ng presyo ng langis sa world market at halos araw-araw ay nagpapatong ng singil ang mga oil companies sa Pilipinas.
Ginagamit ng gobyerno ang oil price increase bilang katwiran sa hindi rin mapigil na presyo ng mga bilihin.
Mistulang bihag ang ordinaryong tao ng presyo ng langis at wala silang magagawa kundi lunukin ang mapait na kapalarang ito.
Ayaw kumilos ng gobyerno at ikinakatwiran hindi ito mapipigil.
Nabuburyong naman ang mga drivers at operators ng mga pampasaherong sasakyan kasi'y wala rin silang kinikita at wala silang maasahang tulong sa pamahalaan.
Nakapatataka namang hindi pa rin nababahala ang pamahalaan at hindi itinuturing na krisis ang mga nagaganap.
Sa ngayon, wala pa rin malinaw na hakbang ang mga kinauukulan.
Dedma lang sila kahit marami na ang nagkakasakit dahil sa kakapusan ng maayos na pagkain sa hapag kainan.
Kabi-kabila rin ang kaso ng pagnanakaw na sintomas ng pagdarahop.
Para kay Juan, bahala na si Bathala!
------30--

huli sa bibig

pilosopong pacio (16Sep05)


MISTULANG walang tao sa Malacanang.
Walang pahayag na inilalabas si Vice President Noli de Castro.
Takot siya to-the-bones kay Ate Glo.
Baka siya mapagbintangang TRAYDOR.

----$$--
INILALABAS na ang “detalye” ng espionage case na kinasangkutan ni Michael Ray Aquino.
Nakablangko ang pangalan ng TATLONG POLITIKO na tumanggap ng mga “intelligence reports”.
Pero, pumiyok agad sina Sen. Ping Lacson at Pareng Erap na “wala raw silang natatanggap ng classified documents” mula US.
Sa bibig nahuhuli ang ISDA.

----$$--
LIHIM na natutuwa naman si Ate Glo.
Kahit hindi siya kumilos—BINUBUWENAS siya.
Napapataob niya ang mga kalaban.
Nang simpleng- simple!

----$$--
POPONDOHAN ng libo-libong dolyares ang Charter Change.
Tiyak na MABIBIYAYAAN dito ang mga FOREIGNERS.

----$$--
SINALUBONG ng “bangkay” ni Haydee Yorac ang pagdating ni Ate Glo sa United States.
Isa itong BAD OMEN!

----$$--
IIMBESTIGAHAN daw ang mga kongresista na hindi BUMOTO ng NO sa impeachment proceedings.
He, he, he, e, di lalo sila NABAWASAN.

---30--

Sunday, September 11, 2005

mga obispo, tuliro

Editorial (12Sep05)


NAGSASAGAWA ng espesyal na pagpupulong ang may 30 Roman Catholic bishops upang suriin kung kailangang maglabas ng bagong “deklarasyon” ang kanilang grupo kaugnay ng pagbasura ng Impeachment Complaint.
Napahiya kasi ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa ginawa ng mga kaalyado ni Pangulong Arroyo na agarang ibinasura ang Impeachment Complaint na malinaw na pagbabastos sa kahilingan ng mga Obispo na bigyan ng pagkakataon si PGMA na ibigay ang kanyang panig kaugnay ng akusasyon.
Sa pagkakabasura ng impeachment, hindi rin nabigyan ng oportunidad si PGMA na magpaliwanag o itama kung alinman ang mali sa kanyang ginawang “pag-amin” o pagsasabi ng “I Sorry” sa publiko.
Mistulang ginoyo ang CBCP na pinaniwala ng administrasyon na nakahanda si PGMA na magsalita sa Impeachment Trial huwag lamang magdeklara ang Simbahang Katoliko ng kahilingang bumaba ito sa puwesto.
Sa ngayon, no choice na ang CBCP kundi ang manawagan sa pagbabawa sa puesto ni PGMA.
Pero, walang duda na maglalabas din ng hiwalay na “deklarasyon” ang iba pang Obispo na “binili” ng Pagcor upang paboran ang Malacanang.
Sa pagkakawatak-watak mismo ng Simbahang Katoliko, hindi malayong bumangon sa hukay sina Jaime Cardinal Sin at Pope John Paul II.
---30--

jihad

Pilosopong pacio (12Sep05)


NAGWAGI ang tatlong Pinoy fighters sa boxing championship sa Los Angeles, California kahapon.
Nanalo sina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Rey Bautista.
Kahit paano, may IPAGMAMALAKI si Ate Glo pagdating sa New York.

----$$--
LUMANTAD ang De La Salle University sa paglaban sa gobyerno.
He, he, he, nadagdagan ang kakampi ng dalawang BIYUDA.

----$$--
MAGLALALABAS ng bagong “deklarasyon” ang CBCP.
Nangangatog na ang mga taga-Malacanang.

----$$--
KAPAG lumantad ang Catholic bishops kontra kay GMA, lalantad na rin ang Iglesia ni Cristo sa pagtanggol sa Malacanang.
Ito na ang totoong RELIGIOUS WAR.

----$$$---
HINDI nakatulong ang “impeachment slay” sa Kongreso upang matapos ang problema ni Ate Glo.
Kapwa NANGGAGAITI ngayon ang military at simbahan.

-----$$--
LILIPAD na tungong New York si PGMA ngayong gabi.
Sana’y huwag bumagsak ang kanyang EROPLANO.

------$$---
NGAYONG wala na si PGMA sa Malacanang, maaari nang magplano si Vice Kabayan.
Iyan ay kung hindi naka-TAPPED ang kanyang cellphone.

-----$$--
WALA na ring naghahanap kina Virgilio Garcillano at Atty. Sammy Ong.
Yun ang akala nila.

-----30---

Friday, September 09, 2005

tnt power

Saksi (10sept05)


SASALUBUNGIN ng protesta ng mga Pinoy si Ate Glo pagdating sa New York.
Ito ang tinatawag na TNT POWER.

----$$--
NAHAHATI ang mga Catholic bishops sa isyu ng GAMBLING MONEY.
Basta’t KUWARTA, marami ang nawawasak.

-----$$--
PINAGBIBITIW si Minority leader Chiz Escudero.
Dapat kahit KUNWARI ay mag-RESIGN siya.
Para hindi niya MAGAYA ang mga nasa administrasyon.
Sa pagiging KAPALMUKS at kawalan ng DELICADEZA.

----$$--
SUMABOG daw ang isang tear gas canister nang hindi SINASADYA.
Nagpa-PRAKTIS sila ng KATWIRAN sa hindi sinasadyang PAGRATRAT NG ARMALAYT sa mga susunod na dispersal.

----$$---
PUMILI ang mga kongresista sa CONDO ni JDV upang kubrahin ang PAYOLA sa impeachment.
Garapallllll!

----$$--
BAKIT kaya tahimik pa rin ang mga kabataang opisyal ng AFP gayong HARAP-HARAPAN ang PAMBABASTOS ng Malacanang sa Konstitusyon at proseso sa demokratikong institusyon.
Mga walang YAGBOLLLLSSSS.

----$$--
ITINANGGI ng NDF-CPP-NPA na pumayag sila na magbalik sa PEACE TALKS.
Baka naghahasa pa sila ng GULOK.

----$$--
KINAKAUSAP ni Edward Hagedorn ng Palawan ang mga kaibigan niyang JUETENG LORD.
Upang itigil ang SUGAL kahit SANDALI lang.
Pero, ayaw pumayag ng mga PARAK—kasi’y mawawalan sila ng DELIHENSIYA.
-----30—

Monday, September 05, 2005

krisis

Editorial (06Sep05issue)

HUMIHIRIT ng dagdag na singil ang mga taxi driver samantalang tinitiyak ang paglobo ng presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo ng elektrisidad dahil sa world oil crisis at EVAT.
Sa kabila, sinupalpal agad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pakiusap ng mga obrero na dagdagan din ang kanilang suweldo. Naniniwala kasi ang DOLE na sakaling palobohin ang suweldo ng mga manggagawa ay maaaring maraming kompanya at establisimyento ang magsarado na lalong magpapalubha sa krisis.
Nangangahulugan ito na darami ang magdarahop, kasi’y hindi magkakasya ang suweldo ng mga padre-de-pamilya samantalang ang mga nanay naman ay mapupuwersa na ring maghanapbuhay.
Paano kaya makapagtatrabaho nang maayos ang mga obrero kung kapos ang kanilang pera na pambayad sa transportasyon na magtutulak upang laging silang mag-absent. Kung laging absent ang mga obrero, apektado ang produksiyon at kalidad ng serbisyo ng kanilang pinagtatrabahuhan. Kung hindi kakasya suweldo para sa pagkain ng pamilya at mismo sa obrero, magkakasakit sila—kaya’t malinaw na hihina rin ang produksiyon na magpapalubha sa krisis.
Malinaw na hilong-talilong ngayon ang pribado at pribadokg sector dahil sa napipintong krisis sa mga susunod na araw.
---30--

Sunday, September 04, 2005

Hatol ng tadhana

Editorial (05Sep05issue)

HAHATULAN ngayon ang impeachment complaint sa plenary session ng Kongreso!Pero, paboran o hindi ng mga kongresista ang kontrobersiyal na report ng justice committee, inaasahan ang pagsisimula ng walang katapusang protesta gitna ng lansangan.Hindi na yata matatapos ang kaguluhang ito na lalong nagpapabagsak sa ekonomiya.Pinalalala ito ng hindi rin mapigil na paglobo ng presyo ng langis sa world market at ang napipintong implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).Paano pa ang pagdaluyong ng mga unos sa mga susunod na araw dahil sa pagrurok ng tag-ulan na maaaring magbunsod ng epidemya at trahedya.Hindi na talaga makakaahon pa sa krisis ang Pilipinas.Pinarurusahan si Juan ng peste na dala ng kalikasan at mismo n gating Kapwa-Pinoy.
----30----

3 beses maghapon

Pilosopong pacio (05sept05)


IKINUMPARA ng Malacanang ang EVAT law sa isang MAPAIT NA TABLETANG gamot sa sakit.
Huhhh, ibig sabihin, TATLONG BESES sa isang ARAW ipatutupad ang EVAT?

-----$$--
ITINUTURO ng gobyerno ang mga ISLAM CONVERTS na siyang posibleng pagmulan ng TERORISMO.
Hindi patas ang ganyang PAGBIBINTANG.

-----$$--
NAGPADALA ng medical mission ang Pilipinas sa mga biktima ni Hurricane Katrina sa United States.
Eh, hindi naman kaya sila MAPAGBINTANGANG terorista.

----$$--
MAGPAPATONG ng P15 ang taxi sa kanilang minimum fare.
Nagkaloko-loko na!

----$$---
PINAPAPATAWAN ng isang MILYONG PISONG MULTA ni Sen. Miriam ang mga telecom companies na NANGGOGOYO sa mga subscribers.
Korek ka dyan. Madame Taray.

----$$--
KUKUHA dawn g 8,200 bagong titser ang gobyerno next year.
Eh, may PAMPASUWELDO ba sila?

----$$--
IPATUTUPAD ngayon ang MEGA-MAXIMUM TOLERANCE sa mga sasama sa PROTESTA.
Hindi kaya panibagong PAGSISINUNGALING yan?

-----$$--
ISASALANG ngayon sa plenary session ng Kongreso ang impeachment upang PATAYIN.
He, he, he, paano kung makakuha ngayon ng 79 lagda?
Baka MAGKAPATAYAN kayo niyan.

------$$---
PATUTULUGIN daw ni Manny Pacquiao ang kanyang katunggali sa 6th round.
Tsk, tsk, tsk, NAUUNA talaga ang yabang ng Pinoy.
---30---

Saturday, September 03, 2005

Eh, VAT ganyan?

Tiktik (04Sep05)

Editorial

PINABORAN ng Korte Suprema ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Matutuwa sa naturang desisyon ang mga international financing institution na nagdikta ng naturang batas sa Malacanang.
Pero, nangangamba ang mga militanteng grupo na ito mismo ang magpapahirap sa ordinaryong mamamayan.
Kasi’y naman ay tinitiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo ng tubig, kuryente at pasahe.
Peste sa ordinaryong tao ang dagdag na buwis.
Tatabo ng malaking kita dito ang mga tauhan ng Rentas Internas dahil magtatangka ang mga negosyante na nakawin ang buwis sa mga produkto.
Magpipiyesta na naman ang mga magnanakaw sa gobyerno, IMF-World Bank at mga negosyante pero gagapang sa hirap si Juan dela Cruz.
Wala na tayong magagawa, nakipagkutsaba na ang Korte Suprema.
At naduduwag namang ang mga kabataang sundalo na ipagtanggol ang karapatan ng ordinaryong mamamayan sa abusadong mga opisyal ng gobyerno.
Laging kaawa-awa si Juan.
--30---

Sanggol ninanakaw

Pilosopong Pacio (04SEPT05)

APRUB na sa Korte Suprema ang EVAT.
Magkano kaya?

----$$--

MALAPIT nang makopo ang 79 lagda sa Impeachment.
Ninerbiyos bigla ang mga taga-Malacanang.

-----$$--

MAIBASURA ang impeachment o hindi ay TUTULOY
pa rin si Ate Glo sa New York.
He, he, he, MAKABALIK pa kaya siya?

----$$--

TUMANGGAP ng gambling money ang tatlong BISHOPS.
Ano ang masama run? Eh, ipinagtatanggol naman nila si Ate Glo.
Ang masama ay tumanggap sila, pagkatapos
ay magiging ANTI pa sila.Diyan na sila masa-SALVAGE.

-----$$--

LUMAMPAS ang koleksiyon ng BIR
sa kanilang TARGET.Kunwari.

-----$$--

DAAN-DAANG Kano ang nadedbol kay Hurricane “Katrina”.
Pinatutusahan sila ni ALLAH.

-----$$--

HINAHANTING ng NBI si presidentiable Eddie Gil.
Huh, sisikat na naman siya.
Delikado siyang MAPATAY kapag hindi siya sumuko.
May “pattern” na natotodas ang mga kumalaban
kay Ate Glo sa nakaraang eleksiyon.

-----$$--

NINANAKAW ang mga sanggol na bagong panganak sa Ukraine.
Bunga ito ng BIRTH CONTROL na ipinatutupad ng ibang bansa.
Nalilipol ang populasyon.

------$$--

NAGDEKLARA ng giyera laban sa jueteng ang 500 MAYORS.
He, he, he, NAGPAPATAAS sila ng PAYOLA.

---30--