Monday, September 05, 2005

krisis

Editorial (06Sep05issue)

HUMIHIRIT ng dagdag na singil ang mga taxi driver samantalang tinitiyak ang paglobo ng presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo ng elektrisidad dahil sa world oil crisis at EVAT.
Sa kabila, sinupalpal agad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pakiusap ng mga obrero na dagdagan din ang kanilang suweldo. Naniniwala kasi ang DOLE na sakaling palobohin ang suweldo ng mga manggagawa ay maaaring maraming kompanya at establisimyento ang magsarado na lalong magpapalubha sa krisis.
Nangangahulugan ito na darami ang magdarahop, kasi’y hindi magkakasya ang suweldo ng mga padre-de-pamilya samantalang ang mga nanay naman ay mapupuwersa na ring maghanapbuhay.
Paano kaya makapagtatrabaho nang maayos ang mga obrero kung kapos ang kanilang pera na pambayad sa transportasyon na magtutulak upang laging silang mag-absent. Kung laging absent ang mga obrero, apektado ang produksiyon at kalidad ng serbisyo ng kanilang pinagtatrabahuhan. Kung hindi kakasya suweldo para sa pagkain ng pamilya at mismo sa obrero, magkakasakit sila—kaya’t malinaw na hihina rin ang produksiyon na magpapalubha sa krisis.
Malinaw na hilong-talilong ngayon ang pribado at pribadokg sector dahil sa napipintong krisis sa mga susunod na araw.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home