Monday, May 08, 2006

PINAS SPORTS column

From: Rainier Francisco, KADYOT-KALIKOT


Head: Sugal ang susi

INAASAHANG maibabalik ni Manny Pacquiao ang Golden Age ng boxing sa Pilipinas sa taong ito.
Marami ang naniniwala na isang “palabas” lang ang laban ni Pacman kontra kay Oscar Larios.
Malabong manalo si Larios at nagiging delikadong kalaban lang siya mula sa “press release” ng mga bayarang writers upang dumugin ng tao ang Araneta Coliseum.
Kapag kasi lumitaw sa media na mahinang klase si Larios, hindi ito panonoorin at magkakasya na lamang ang mga “rich” sa telebisyon.
Sa bagay, buhay na buhay ang mga ilegalista sa bansa kaya’t walang duda na mapupuno ng mga “lords” ang ring side ng Big Dome—drug lord, gambling lord, prostitution lord, human trafficking lord, at iba pa.
Kumbaga, kahit TSONGGO—ang isagupa kay Pacman, panonoorin pa rin ng mga “GALIT SA PERA”.

----$$--
ALAM ba ninyong nabuhay ang boxing dahil sa “illegal gambling”.
At sa maniwala kayo o sa hindi, garapalan ang pustahan sa Araneta Coliseum, higit pa sa dambuhalang cockfighting derby.
Sino ngayon ang maysabi na bawal ang sugal?
Kung walang pustahan ang mga “boxing matches” sa Visayas at Mindanao—walang isisilang na Manny Pacquiao at kahit pa Flash Elorde.
Hindi matanggap ng mga nagtitinu-tinuan na ang “sugal” ay bahagi ng tradisyon—hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

----$$--
BAKIT ba sumikat ang isang Efren “Bata” Reyes, Django Bustamante, Amang Parica at iba?
Iyan ay dahil din sa lantarang pustahan sa billiard hall.
Alam yan ng mga apisyonados.

---$$--
PAANO sumikat si Paeng Nepomuceno?
Aba’y big time din ang pustahan sa bowling!

-----$$--
KAHIT ang damit ni Jesus Christ ay pinagpustahan ng mga Eskriba’t Pariseo.
Matanda pa sa kahit saang gobyerno ang sugal.
Hindi maaaring manatiling illegal ang sugal sa habang panahon!
Pustahan tayo!
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home