Pangontra
Saksi (29Sep05)
GAGAMITIN na ng administrasyong Arroyo ang kamay na bakal sa pagkontra sa mga demonstrasyon sa gitna ng kalye.Ibabasura na ang maximum tolerance na ginamit ni dating Pangulong Marcos na siyang naging dahilan kung bakit dumagsa ang mga Pinoy sa gitna ng kalsada na nang lumaon ay naging People's Power. Ang maximum tolerance din ni Pareng Erap ang mismong nagpalobo ng tao sa Edsa 2 kung saan bumaliktad bigla ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Upang hindi matulad kina Makoy at Erap, ipatutupad agad ni PGMA ang “No Permit, No Rally Policy” kaya't bago pa man umuusbong sa pagdami ang ralista ay agad itong bubuwagin—kahit sino man ang masaktan at mamatay. Pinakahuling insidente ay ang pagkakadakip ng 11 ralista sa Mendiola.Malinaw na epektib ang ganitong pakontra sa People's Power. Kumbaga, saka na lang pagdebatehan sa korte--- kung labag ito sa Konstitusyon, ang mahalaga, nananatili si PGMA sa Malacanang---hanggang ngayon. Kung hanggang kailan? Walang makakasagot!---30---
0 Comments:
Post a Comment
<< Home