kudeta
Saksi (30Sep05)
MAUGONG na naman ang tangkang kudeta.
Kasi'y lantarang nagbunyag ang dalawang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng pagtatangka na dayain ang 2004 election gamit ang sandatahang lakas.
Sinibak naman agad ng Malacanang sa serbisyo ang dalawang AFP officers na tumestigo sa Senado na lalong nagpapaliyab ng tsismis na hindi malayong magkaroon ng kudeta bago matapos ang taong ito.
Naniniwala naman ang oposisyon na ibinubuyo mismo ng Malacanang ang mga sundalo at taumbayan na mag-alsa at pumagitna sa lansangan upang magkaroon ng katwiran na ideklara ang State of Emergency.
Ang State of Emergency ay pasakalye lamang sa deklarasyon ng Martial Law kung saan kokontrolin ng gobyerno ang negosyo at sisikilin ang karapatang pantao.
Pero, nagdududa ang mga eksperto kung may sapat na lakas ng loob si PGMA na ideklara ang Batas Militar.
Kasi'y ito ay magagawa lamang ng isang Pangulo na “may bayag”.
---30---
0 Comments:
Post a Comment
<< Home