Monday, May 29, 2006

Kurapt

(for PINAS, June 1-7)


PARANG manok na tinetepok ang media.
Isa sa kontrobersiyal na kaso dito ay ang pagkakapatay ng isang “bodyguard” ni Manny Pacquiao sa isang radio reporter sa General Santos City.
Walang malinaw na ulat hinggil dito.
Hindi pa nareresolba ang kasong ito.
Natatakot kaya ang mga awtoridad kay Pacman.
Ayaw nilang makatikim ng LEFT HOOK ng kampeon.
-----$$$---
LINGID sa kaalaman ng marami, hindi rin ligtas ang mga sporswriter o sportcolumnist sa banta ng pagpatay.
Kahit ang inyong abang-lingkod ay nakatikim ng pagbabanta nang IBINUNYAG ko ang “katiwalian sa loob ng Philippine Basketball League (PBL) ilang tao na ang nakararaan.
Sa totoo lang, kayrami ring CORRUPTION sa larangan ng sports pero hindi ito nabubunyag.
Akala kasi ng marami ay MALINIS na larangan ang sports.
Hindi po totoo yan.
----$$--
NAKAKALIGTAS lang sa “mata” ng publiko ang corruption sa sports, dahil “sport kuno ito”.
Ang paglikha sa Philippine Sports Commission (PSC) ay isang klase ng pagnananakaw ng pera ng bayan.
Multi-million-peso ang budget ng PSC-- ay ang pagre-release nito sa mga national sports associations (NSAs) ay kaduda-duda.
Ito ang dahilan kung bakit “pinag-aagawan” ang liderato ng mga NSA.
Ito ay upang makakurakot mula sa pondo ng PSC, siyempre kakutsaba ang ilang ehekutibo dito.
----$$--
KABILANG sa dapat imbestigahan ang “simpleng purchase ng mga equiptment”, kontrata sa mga renobasyon na lagi na lang “renobasyon ng renobasyon” nang walang katapusan.
Kontrata sa general services o janitorial at security guards.
Biyahe ng mga atleta sa ibang bansa.
Pagkuha ng mga “foreign coaches”. Puwede kasing “taxi driver” lang ay naging consultant na ng PSC.
Pinakamalala dito, walang naitutulong ang PSC upang makatuklas ng MAHUHUSAY na manlalaro ang Pilipinas.
At saan napupunta ang “rental fees” na nakokolekta ng PSC mula sa mga sport venues tulad ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), baseball field, ULTRA complex at iba pa.
----$$--
ANG mga NSA's naman ay nagso-solicit ng mga PRIVATE SPONSORS at ginagamit ang mga “national athletes” upang tumabo ng malalaking halaga.
-----$$--
PERO ang corruption sa sports ay hindi natatapos sa PSC at mga NSAs, kundi maging sa mga pribadong organisasyon tulad ng Philippine Basketball Association (PBA) at PBL.
Hulaan ninyo kung bakit nakapasok sa Pilipinas ang mga PEKENG FIL-FOREIGNERS.
Hindi ba't malaking KUWARTA yan.
At hindi malayong kakutsaba mismo dito ang ilang PBA officials o employees.
----$$--
SA PBL, bagaman, kuwarta ng mga “galit sa pera” o mga korporasyong nagtatapon ng salapi dito, siyempre, nayayari din ang “pondo” nang walang kalaban-laban sa mga kaduda-dudang expenses.
Ang prinsipyo kasi'y ay basta na lang “magkaroon ng torneo” at hindi na iniisip at ginagamit nang “mabuti ang operation expenses”.
Kumbaga, “PERA-PERA” na lang ang laban ay walang seryosong inobasyon o programa PARA SA MASA ang ginagawa ng mga nangangasiwa.
Kapag hindi ginamit sa MABUTING PARAAN ang pondo—pribado o publiko man ang organisasyon o tanggapan—ISANG KLASE RIN ITO NG CORRUPTION.
At hindi nalalayo dito ang larangan ng sports.
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home