Bahala si Bathala
Editorial (16Sep05)
PATULOY pa rin ang paglobo ng presyo ng langis sa world market at halos araw-araw ay nagpapatong ng singil ang mga oil companies sa Pilipinas.
Ginagamit ng gobyerno ang oil price increase bilang katwiran sa hindi rin mapigil na presyo ng mga bilihin.
Mistulang bihag ang ordinaryong tao ng presyo ng langis at wala silang magagawa kundi lunukin ang mapait na kapalarang ito.
Ayaw kumilos ng gobyerno at ikinakatwiran hindi ito mapipigil.
Nabuburyong naman ang mga drivers at operators ng mga pampasaherong sasakyan kasi'y wala rin silang kinikita at wala silang maasahang tulong sa pamahalaan.
Nakapatataka namang hindi pa rin nababahala ang pamahalaan at hindi itinuturing na krisis ang mga nagaganap.
Sa ngayon, wala pa rin malinaw na hakbang ang mga kinauukulan.
Dedma lang sila kahit marami na ang nagkakasakit dahil sa kakapusan ng maayos na pagkain sa hapag kainan.
Kabi-kabila rin ang kaso ng pagnanakaw na sintomas ng pagdarahop.
Para kay Juan, bahala na si Bathala!
------30--
0 Comments:
Post a Comment
<< Home