Saturday, September 03, 2005

Eh, VAT ganyan?

Tiktik (04Sep05)

Editorial

PINABORAN ng Korte Suprema ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Matutuwa sa naturang desisyon ang mga international financing institution na nagdikta ng naturang batas sa Malacanang.
Pero, nangangamba ang mga militanteng grupo na ito mismo ang magpapahirap sa ordinaryong mamamayan.
Kasi’y naman ay tinitiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo ng tubig, kuryente at pasahe.
Peste sa ordinaryong tao ang dagdag na buwis.
Tatabo ng malaking kita dito ang mga tauhan ng Rentas Internas dahil magtatangka ang mga negosyante na nakawin ang buwis sa mga produkto.
Magpipiyesta na naman ang mga magnanakaw sa gobyerno, IMF-World Bank at mga negosyante pero gagapang sa hirap si Juan dela Cruz.
Wala na tayong magagawa, nakipagkutsaba na ang Korte Suprema.
At naduduwag namang ang mga kabataang sundalo na ipagtanggol ang karapatan ng ordinaryong mamamayan sa abusadong mga opisyal ng gobyerno.
Laging kaawa-awa si Juan.
--30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home