Friday, October 07, 2005

kontest sa puntod

Pilosopong pacio (08Oct05)


BANTAY-SARADO ngayon ang pulisya sa mga nagpapa-CONVERT bilang Muslim.
No.1 suspek agad sila bilang terorista.
Lintekkkk!

---$$--
IBINUNYAG ni Sen. Pong Biazon na may 10 top officers ng AFP ang magpapatotoo sa 2004 election fraud.
Tumestigo sila sa BUWAN.
Huhhh, pupunta sila kay Mike Enriquez?
Getz mo?

---$$--
KITANG- KITA ang pamamalo at pananakit ng pulisya sa mga demonstrador.
Ito na yata ang pinakawalanghiyang dispersal team.

----$$---
MAY balita na hindi na raw nakakatulog si Ate Glo.
Baka naman NAGBIBILANG kasi siya ng SANDAMUKAL na BARYA.

----$$$---
ITINUTURO ni Bro. Eddie si Big Mike na siyang NANGGIGIPIT sa kanya kaugnay ng kasong libelo.
Huhh, lumalala na ang SITWASYON.

----$$--
KAPAG nakalaboso si Bro. Eddie, maiaangat na ang ANTAS NG KANYANG PERSONALIDAD—sa pedestal na nais niyang marating noong siya’y isang aktibista.
Mula sa pagiging religious leader ay magiging isang GANAP NA POLITICAL FIGURE.
He, he, he, yan mismo ang PANGARAP niya.

---$$--
KANGINONG puntod kaya may pinakamaraming KANDILA at BULAKLAK sa Undas?Kay Daking o kay ex-Sen. Raul Roco?Kahit sa PANTIYON, ay nagko-CONTEST ang dalawa/

----$$$---
DELIKADO ang bisperas at araw mismo ng Todos Los Santos sa administrasyong Arroyo.
Mag-uuwian kasi ang mga sundalo at masyadong magiging tahimik ang paligid.
Tipikal na TAYMING ito sa KUDETA.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home