Tuesday, October 04, 2005

karangalan, kahihiyan

Editorial (05Okt05)

MAGANDA ang tayming ang pag-uwi ni Miss International Precious Lara Quigaman ; at ang pagparada ng tatlong boxing greats na sina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Boom Bautista.
Kahit paano, nagkaroon ng maganda at kaaaya-ayang balita ang media.
Nahimasmasan din o nagkaroon ng pamutat ang mga pulitikong pulpol na nagbabalitaktakan. Dapat ay parangalan ng mga kongesista at senador ang apat na dakilang Pinoy na naghatid sa pangalan ng Pilipinas sa mapa ng daigdig. Hindi matatawaran ang kanilang iniambag na karangalan taliwas sa malaking kahihiyan na inihahatid ng mga mambabatas at matataas na opisyal ng gobyerno.
Isang malaking kahihiyan ang mga politiko—at isang dambuhalang dignidad at integridad ng bansa sina Quigaman, Pacquiao, Viloria at Bautista.
Mabuhay kayo!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home