Monday, June 05, 2006

Balon ng kuwarta

(for PINAS WEELKLY, June 12-19 issue)

NAMPUTSA, nag-aaway na naman ang mga handlers ni Manny Pacquiao.
Pinag-aagawan ang isang BALON NG KUWARTA.
----$$$---
PAG nagkataon, madidistorbo na naman ang konsentrasyon ng ating kampeon.
Ano kaya ang mabuti niyang gawin sa kanyang mga "managers"?
Aba’y dapat na bigyan niya ng kombinasyon ng UPPER CUT at LEFT HOOK ang mga duhapang.
-----$$--
MAGANDA ang ipinamalas ng RP Women’s Chess Team sa katatapos na 37th Chess Olympiad.
Magbubunsod ito upang maakit ang mga Pinay na maglaro din ng chess.
-----$$$---
ISIPIN mong makalaro ng batang si Mark Paragua si two-time World Chess Championships Challenger Viktor Korchnoi ng ex-USSR.
Kahit natalo si Mark, hindi nakamarka na rin siya sa kasaysayan ng world chess.
-----$$$---
KAHIT pa nai-takeover na ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang liderato ng chess mula sa nabuwag na Philippine Chess Federation (PCF), tameme pa rin ang grassroot development ng chess sa mga kanayunan.
Mahirap talagang maghanap ng matitinong sports leaders.
-----$$--
NAKATAKDANG balasahin ang Philippine Chess Commission (PSC).
Hindi sapat ang pagbalasa dito.
May mainam kung bubuwagin.
-----$$--
MAINAM pa ang sinibak na ang chairman ng Philippine Racing Commission (PRC).
Hindi kaya maintriga rin ang kanyang kapalit na si Popoy Fianza?
Mahirap kontrolin ang mga sugarol.
-----$$$--
PINANINIWALAANG isang "jueteng war" ang nagaganap matapos tangkang patayin si Batangas Gov. Armand Sanchez.
Nag-aagawan sila sa multi-milyong pisong TABO sa jueteng.
----$$$---
PINABAGSAK ng Dallas Maverick ang Phoenix Suns, 102- 93 sa Western Conference finals upang makaakyat sa National Basketball Association (NBA) Finals sa unang pagkakataon.
Naghaharap ngayon ang Mavericks at Miami Heat sa best-of-7 championships series.
---$$$--
SA pagpasok ng NBA Finals, walang duda na sinasapawan nito ang mga sports events sa Philippine television.
Pero, huwag ka, hindi nito kayang sapawan ang nakatakdang Pacquiao Larios duel kahit wala itong kuwenta.
-----$$$---
MARAMI na namang tsikas ang MAGWATER-WATER kina Dirk Nowitzki at Jason Terry na nagsilbing bayani ng Mavericks.
Tiyak na marami na ang male-LATE ang pumasok sa mga opisina at maraming estudyante ang magi-SKIP sa klase.
-----$$$--
MAGLULUNSAD ng serye ng mga boxing championship sa buong Mindanao upang makatuklas ng mga bagong talento sa ibabaw ng lona.
May TAMA kayo dyannnn!
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home