Monday, May 15, 2006

NSAs palpak

KADYOT-KALIKOT ni Rainier Francisco
(For Pinas weekly)

HEAD:Palpak na NSAs

NATULOY rin sa wakas ang Padyak-Pinoy cycling tour.
Isa ang cycling sa mga kontrobersiyal na national sports association (NSAs).
May tatlong paksiyon ang mga ito mula sa Philippine Cycling Association of the Philippines (PCAP) na inorganisa noon nina Atty. Cornelio Padilla Jr. , Rep. Mat Defensor at Pacquito Rivas.
Binago na ang pangalan nito at ang ilang lider siklista ay nagbuo ng hiwalay na pangkat.
Nawawasak ang mga NSAs dahil sa komersiyalisasyon ng cycling na tulad din sa basketball ay “ninenegosyo” ng ilang oportunistang sports leaders.
Mula nang iwanan ng Marlboro at Philippine Morris Philippines ang pagiging title sponsor ng Tour ng Pilipinas, nagkawindang-windang na ang Philippine cycling.
Sa ngayon, pinagsanib na ang professional at amateur cycling pero nananatili pa rin ang intriga at kaguluhan.
Wala linaw kung hanggang kailan magugulo ang Philippine cycling.
Para kay Atty. Padilla, higit na mahalaga ay magkaroon ng walang patid na cycling competition ang mga siklista upang patuloy silang mahasa.
Taliwas naman sa ibang NSAs, pinatatakbo ngayon ang cycling competition ng mga dedikado at aktuwal na mga cycling greats sa nagdaang panahon.
Para sa mga organizers ng Padyak- Pinoy, congrats!

-----$$---
NAGUGULO na rin ang Amateur Softball Assocition of the Philippines (ASAPHIL).
Puwersang nagbalik sa poder ng ASAPHIL si dating Pasig City Mayor Mario Raymundo.
Agarang naghalalan kasama si baseball great Filomeno “Boy” Codinera.
Iniwanan kasi ni ex-Manila Rep. Harry Angpin ang liderato ng ASAPHIL, kaya’t sinagpang agad ni Raymundo.
Pinag-aagawan din ang liderato sa ASAPHIL, kasi’y nakakokobra ng pondo ang mga ito mula sa Philippine Sports Commission (PSC), tuwing may international competition.
Alam naman natin, “palakasan” ang release ng pondo sa PSC.
At iyan ay isa sa mga “simpleng raket” ng mga sports leaders.

-----$$--
NAWAWASAK rin ang Philippine Bowling Congress (PBC), NSAs naman para sa bowling.
Ito ay dahil sa mga palpak na pangangasiwa ng mga NSAs officials.
Matagal nang inirereklamo ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno ang mga bowling officials pero hindi pa rin nareresolba ang mga problema.
Nakakaangat at nahasa si Paeng, hindi sa tulong ng PBA, kundi sa personal na pagsisikap at mula sa tulong nga pribadong sektor partikular ang pamilya Puyat.
------30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home