Sunday, September 11, 2005

mga obispo, tuliro

Editorial (12Sep05)


NAGSASAGAWA ng espesyal na pagpupulong ang may 30 Roman Catholic bishops upang suriin kung kailangang maglabas ng bagong “deklarasyon” ang kanilang grupo kaugnay ng pagbasura ng Impeachment Complaint.
Napahiya kasi ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa ginawa ng mga kaalyado ni Pangulong Arroyo na agarang ibinasura ang Impeachment Complaint na malinaw na pagbabastos sa kahilingan ng mga Obispo na bigyan ng pagkakataon si PGMA na ibigay ang kanyang panig kaugnay ng akusasyon.
Sa pagkakabasura ng impeachment, hindi rin nabigyan ng oportunidad si PGMA na magpaliwanag o itama kung alinman ang mali sa kanyang ginawang “pag-amin” o pagsasabi ng “I Sorry” sa publiko.
Mistulang ginoyo ang CBCP na pinaniwala ng administrasyon na nakahanda si PGMA na magsalita sa Impeachment Trial huwag lamang magdeklara ang Simbahang Katoliko ng kahilingang bumaba ito sa puwesto.
Sa ngayon, no choice na ang CBCP kundi ang manawagan sa pagbabawa sa puesto ni PGMA.
Pero, walang duda na maglalabas din ng hiwalay na “deklarasyon” ang iba pang Obispo na “binili” ng Pagcor upang paboran ang Malacanang.
Sa pagkakawatak-watak mismo ng Simbahang Katoliko, hindi malayong bumangon sa hukay sina Jaime Cardinal Sin at Pope John Paul II.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home