Monday, August 29, 2005

Kalmante kuno

Saksi Editorial (30Aug05)

SINISIKAP ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makalmante sa mata ng tao kung saan mistulang pakuya-kuyakoy lang siya pero sa kaloob-looban ng emosyon ay ninenerbiyos at tuliro.
Ang simpleng deklarasyon bilang piyesta opisyal sa National Heroes’ Day noong Lunes at pagkansela ng ilang appointment ay sintomas ng magulong isip.
Kasi’y naman, anumang oras sa linggong ito ay maaaring “mapatay” o maidiretso ang Impeachment complaint sa Senado.
Kahit pa maibasura ito sa Kongreso ay hindi rin garantiya na mananatili siya sa Malacanang kasi’y maaring maulit ang eksena sa “2nd envelop” sa Impeachment Trial kung saan nagtagumpay ang mga ayudante ni Pareng Erap—pero ito rin mismo ang naging MITSA kaya’t napaaga ang kanyang paglayas sa poder.
Iyan mismo kung kaya’t natuturete si PGMA pero sinisikap niyang magmukhang normal sa harap ng tao.
Kung paano niya ito nagagawa ay isang kahanga-hangang bertud ng isang babae.
----30---

Sino ang matapang?

Pilosopong pacio (30aug05)

MAGBOBOTOHAN ngayon kung lulusot o ibabasura ang Impeachment complaint.
He, he, he, may IIYAK , may MAGSASAYAW!
----$$--
PINAGTATAGO sa ilalim ng KAMA ang mga OFWs ng US troops dahil sa takot na MAKATAY ng mga Iraqis.
Tsk, tsk, tsk, mistulang IMPIYERNO na sa Baghdad.
----$$--
INISNAB ng oposisyon ang “peacetalk” na inaalok ng Malacanang.
Naamoy nila ang isang PATIBONG.
-----$$--
IMPOSIBLE raw masira ang CHAIN OF COMMAND sa AFP.
Ganyan na ganyan ang GARANTIYA ni ex-AFP Chief Angelo Reyes bago TRINAYDOR ang kanyang commander-in-chief na si Pareng Erap.
----$$--
ITINUTURO ang Abu Sayyaf sa pambobomba sa ferry boat sa Basilan.
Akala ko ba ay LIPOL na ang ASG?
Nabibisto na NAGSISINUNGALING ang AFP.
-----$$--
NAIS ng Malacanang na matigil na ang JUETENG HEARING.
Aba, dapat lang sundin ang UTOS ng orihinal na LORD.
------$$--
NAGBANTA ang isang kongresista na DADANAK ang dugo kapag ibinasura ang Impeachment.
Mainam yan, para makita natin kung sino ang MATAPANG.
At mga “nagtatapang-tapangan” lang.
----30--

Tuesday, August 23, 2005

Black Eye

Pilosopong pacio

MAY bagong koalisyon na anti-GMA.
Binansagan itong “BLACK AND WHITE MOVEMENT”.
He, he, he, akala ko, “BLACK EYE MOVEMENT”.
----$$--
TIYAK na idi-disperse sila kapag nagprotesta sa kalsada.
Puro BLACK EYE ang matatanggap nila.
------$$--
MAGLILIDER daw sa bagong anti-GMA group ang Hyatt 10.
Ang kainan ay lagi sa malalaking HOTEL.
Ganyan sila karaming DATUNG.
Huhhh, sama ko dyan, pwede?
-----$$--
PINATITIGIL ang debate sa Impeachment.
Botohan na kung botohan.
-----$$---
NAGTATAGO sa New York si Garci.
Baka madale siya ng mga TERORISTA dun?
-----$$--
PINALAYA na ang suspect sa pambobomba sa Zamboanga.
Baka kasi dinampot ay VENDOR lang ng CDs.
-----$$--
PINASUSUBASTA na ngayon ang mga kontrata sa AFP.
Aba matagal nang batas yan, bakit ngayon lang ninyo ipinatutupad?
----$$--
MALINAW ditto na sangkatutak ang NADAMBONG
ng mga dating hepe ng AFP.
Kabilang si FVR.
-----30--

Friday, August 19, 2005

Baka kunin ni Lord

Pilosopong pacio (20Aug05 issue)

PALALAYAIN si Pareng Erap para makadalo
sa El Shaddai Prayer Rally. Delikado yan.
Baka KUNIN AGAD SIYA NI LORD.
----$$--
NILASON daw si FPJ.
O, nilalason ng naturang isyu
ang KATINUAN ng mga Pinoy?
----$$--
KINASTIGO ng DOJ ang Bureau of Immigration
sa pagkakatakas ni Garci.
Huhhh, bola lang yannnn!
----$$--
PINULONG ni PGMA ang mga gabinete
upang sugpuin ang ENERGY CRISIS.
May naniniwala naman kaya?
----$$$--
NAGSISILAYAS na ang mga foreign investors.
Yipeee, masosolo na ng Pinoy ang
LIKAS NA YAMAN ng Inang Bayan.
-----$$--
TATAAS ang presyo ng LPG.
Tatataas din ang mga pagkain sa restaurant.
Balik TURO-TURO tayo.
----$$$---
AYON kay Speaker JDV, hindi kailangan
ang SENADO sa CHACHA.
Mukhang nagu-ULIANIN na si Kuneho.
---30--

Thursday, August 18, 2005

Garci huli sa Britain

Pilosopong Pacio (19Aug05issue)

Pilosopong Pacio
GUMAGAMIT daw ng illegal drugs ang mga tao sa call centers
kaya’t nakakatagal sila nang MAGDAMAGAN.
Baket, hindi ba kaya ng KAPE ang paglalamay?
----$$--
IPINANAKOT na naman ng oposisyon ang EDSA 4
kapag napurnada ang Impeachment kontra kay PGMA.
Huwag na kayong magbanta,TUWAD-KUNG-TUWADDDDD!
----$$--
SINALAKAY ang safehouse ng oposisyon kung saan nakalagakang
mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Below-the-belt talaga ang DISKARTE!
----$$--
BAKIT kaya nagpapagamit ang PNP at AFP sa kapritso ng Malacanang?
Isang paglabag ito sa Konstitusyon.
At malaking KAHANGALAN.Bwuseetttt!
----$$--
HINAMON ni ex-Sen. Loren Legarda si Vice President
Noli de Castro na suriin sa gitna ng MEDIA
ang mga election returnsna DINAMBONG
ng CIDG sa kanilang headquarters.
Umiinit na ang AWAY ng mag-KUMARE’T KUMPARE.
----$$--
WALANG duda na mapapagitna na tayo sa KRISIS.
Ang babae sa Malacanang,NAKABUNGISNGIS pa rin.
----$$---
NAGTATAKBO raw sa LONDON via Singapore
si ex-Commissioner Virgilo Garcillano.
Nakupp, madaling mahuhuli sa Britain si Garci.
KAKAUNTI kasi ang PANGIT dun.
Nababalita agad kapag NADAGDAGAN ng ISA.
------30---

Monday, August 01, 2005

Pilosopong pacio