Kalmante kuno
Saksi Editorial (30Aug05)
SINISIKAP ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makalmante sa mata ng tao kung saan mistulang pakuya-kuyakoy lang siya pero sa kaloob-looban ng emosyon ay ninenerbiyos at tuliro.
Ang simpleng deklarasyon bilang piyesta opisyal sa National Heroes’ Day noong Lunes at pagkansela ng ilang appointment ay sintomas ng magulong isip.
Kasi’y naman, anumang oras sa linggong ito ay maaaring “mapatay” o maidiretso ang Impeachment complaint sa Senado.
Kahit pa maibasura ito sa Kongreso ay hindi rin garantiya na mananatili siya sa Malacanang kasi’y maaring maulit ang eksena sa “2nd envelop” sa Impeachment Trial kung saan nagtagumpay ang mga ayudante ni Pareng Erap—pero ito rin mismo ang naging MITSA kaya’t napaaga ang kanyang paglayas sa poder.
Iyan mismo kung kaya’t natuturete si PGMA pero sinisikap niyang magmukhang normal sa harap ng tao.
Kung paano niya ito nagagawa ay isang kahanga-hangang bertud ng isang babae.
----30---
0 Comments:
Post a Comment
<< Home