Monday, May 29, 2006

Kurapt

(for PINAS, June 1-7)


PARANG manok na tinetepok ang media.
Isa sa kontrobersiyal na kaso dito ay ang pagkakapatay ng isang “bodyguard” ni Manny Pacquiao sa isang radio reporter sa General Santos City.
Walang malinaw na ulat hinggil dito.
Hindi pa nareresolba ang kasong ito.
Natatakot kaya ang mga awtoridad kay Pacman.
Ayaw nilang makatikim ng LEFT HOOK ng kampeon.
-----$$$---
LINGID sa kaalaman ng marami, hindi rin ligtas ang mga sporswriter o sportcolumnist sa banta ng pagpatay.
Kahit ang inyong abang-lingkod ay nakatikim ng pagbabanta nang IBINUNYAG ko ang “katiwalian sa loob ng Philippine Basketball League (PBL) ilang tao na ang nakararaan.
Sa totoo lang, kayrami ring CORRUPTION sa larangan ng sports pero hindi ito nabubunyag.
Akala kasi ng marami ay MALINIS na larangan ang sports.
Hindi po totoo yan.
----$$--
NAKAKALIGTAS lang sa “mata” ng publiko ang corruption sa sports, dahil “sport kuno ito”.
Ang paglikha sa Philippine Sports Commission (PSC) ay isang klase ng pagnananakaw ng pera ng bayan.
Multi-million-peso ang budget ng PSC-- ay ang pagre-release nito sa mga national sports associations (NSAs) ay kaduda-duda.
Ito ang dahilan kung bakit “pinag-aagawan” ang liderato ng mga NSA.
Ito ay upang makakurakot mula sa pondo ng PSC, siyempre kakutsaba ang ilang ehekutibo dito.
----$$--
KABILANG sa dapat imbestigahan ang “simpleng purchase ng mga equiptment”, kontrata sa mga renobasyon na lagi na lang “renobasyon ng renobasyon” nang walang katapusan.
Kontrata sa general services o janitorial at security guards.
Biyahe ng mga atleta sa ibang bansa.
Pagkuha ng mga “foreign coaches”. Puwede kasing “taxi driver” lang ay naging consultant na ng PSC.
Pinakamalala dito, walang naitutulong ang PSC upang makatuklas ng MAHUHUSAY na manlalaro ang Pilipinas.
At saan napupunta ang “rental fees” na nakokolekta ng PSC mula sa mga sport venues tulad ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), baseball field, ULTRA complex at iba pa.
----$$--
ANG mga NSA's naman ay nagso-solicit ng mga PRIVATE SPONSORS at ginagamit ang mga “national athletes” upang tumabo ng malalaking halaga.
-----$$--
PERO ang corruption sa sports ay hindi natatapos sa PSC at mga NSAs, kundi maging sa mga pribadong organisasyon tulad ng Philippine Basketball Association (PBA) at PBL.
Hulaan ninyo kung bakit nakapasok sa Pilipinas ang mga PEKENG FIL-FOREIGNERS.
Hindi ba't malaking KUWARTA yan.
At hindi malayong kakutsaba mismo dito ang ilang PBA officials o employees.
----$$--
SA PBL, bagaman, kuwarta ng mga “galit sa pera” o mga korporasyong nagtatapon ng salapi dito, siyempre, nayayari din ang “pondo” nang walang kalaban-laban sa mga kaduda-dudang expenses.
Ang prinsipyo kasi'y ay basta na lang “magkaroon ng torneo” at hindi na iniisip at ginagamit nang “mabuti ang operation expenses”.
Kumbaga, “PERA-PERA” na lang ang laban ay walang seryosong inobasyon o programa PARA SA MASA ang ginagawa ng mga nangangasiwa.
Kapag hindi ginamit sa MABUTING PARAAN ang pondo—pribado o publiko man ang organisasyon o tanggapan—ISANG KLASE RIN ITO NG CORRUPTION.
At hindi nalalayo dito ang larangan ng sports.
------30--

Monday, May 22, 2006

Pinadelikadong sports

SAKYOD-KALIKOT
Ni Rainier Francisco


PUSPUSAN na ang ensayo ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym ni American Trainer Freddie Roach sa California.
Kinansel na ang ensayo sa Baguio City.
May TAMA kayo dyan!

-----$$--
AYON kay Marco Antonio Barrera, one-sided fighter daw si Pacman.
Pag tinamaan ka naman ng sinasabi mong ONE-SIDED, maga na naman ang ONE-SIDE ng MUKHA mo.

------$$--
NAGKAMPEON si Santy Barnachea sa Padyak Pinoy cycling tour.
Ay salamat, nairaos din ang pagbuhay sa Tour of Luzon kahit NAGDAAN SA BUTAS NG KARAYOM.
Ano naman kaya ang nangyari sa isa pang “cycling tour” ng isang “BREAK-AWAY GROUP” ng mga cycling organizers?

----$$--
TATLONG Pinoy Mountain Climbers ang nakapagtarak ng BANDILA NG PILIPINAS sa pinakaituktok ng Mt. Everest—pinakamataas na bundok sa ibabaw ng lupa.
May balita na HINDI malaman ngayon, KUNG PAPAANO NAMAN SILA BABABA.

----$$$--
ISANG sports events ang MOUNTAINEERING—at ito raw ang pinakamahirap na sports discipline.
Ito rin daw ang PINAKABANAL sa lahat.
Kasi’y pag-AKYAT mo MAPAPALAPIT ka langit NANG AKTUWALat ISPIRITWAL baka ka kasi madulas at MATEPOK.

----$$$--
PERO, hindi totoong iyan ang pinakadelikadong sports discipline.
May mas mapanganib pa ba sa DIVING—na eksperto naman ang mga BADJAO sa Mindanao.
SISINISIDSID nila ang PINAKAMALALIM NA DAGAT—kayang ilubog ang dalawang laki ng Mt. Everest!
Pinoy lang din ang nakakagawa niyan.

----$$-
SA sobrang pagdarahop ng buhay sa Sulu at Celeces sea sa Mindanao, kapag naghagis ka ng PISONG BARYA sa dagat, sisirin agad yan ng mga BATANG BADJAO.
At alam ba ninyong, hindi MAKUKUHANG MAKABABA ng barya—dahil aabutan sila ng mga Pinoy swimmers habang nalaglag sa ilalim ng dagat.
Ganyan kahusay ang mga Pinoy.

----$$$---
LUMALABAN ngayon ang mga Pinoy sa World Chess Olympiad.
Pagbutihin ninyo mga iho!
Ingat kayo sa mga PROSTI dyan sa Europee.
Baka MAGPASALUBONG pa kayo ng STDs.
Este, baka magkaroon kayo ng ka-STEADY na foreigners.
---30---

Monday, May 15, 2006

NSAs palpak

KADYOT-KALIKOT ni Rainier Francisco
(For Pinas weekly)

HEAD:Palpak na NSAs

NATULOY rin sa wakas ang Padyak-Pinoy cycling tour.
Isa ang cycling sa mga kontrobersiyal na national sports association (NSAs).
May tatlong paksiyon ang mga ito mula sa Philippine Cycling Association of the Philippines (PCAP) na inorganisa noon nina Atty. Cornelio Padilla Jr. , Rep. Mat Defensor at Pacquito Rivas.
Binago na ang pangalan nito at ang ilang lider siklista ay nagbuo ng hiwalay na pangkat.
Nawawasak ang mga NSAs dahil sa komersiyalisasyon ng cycling na tulad din sa basketball ay “ninenegosyo” ng ilang oportunistang sports leaders.
Mula nang iwanan ng Marlboro at Philippine Morris Philippines ang pagiging title sponsor ng Tour ng Pilipinas, nagkawindang-windang na ang Philippine cycling.
Sa ngayon, pinagsanib na ang professional at amateur cycling pero nananatili pa rin ang intriga at kaguluhan.
Wala linaw kung hanggang kailan magugulo ang Philippine cycling.
Para kay Atty. Padilla, higit na mahalaga ay magkaroon ng walang patid na cycling competition ang mga siklista upang patuloy silang mahasa.
Taliwas naman sa ibang NSAs, pinatatakbo ngayon ang cycling competition ng mga dedikado at aktuwal na mga cycling greats sa nagdaang panahon.
Para sa mga organizers ng Padyak- Pinoy, congrats!

-----$$---
NAGUGULO na rin ang Amateur Softball Assocition of the Philippines (ASAPHIL).
Puwersang nagbalik sa poder ng ASAPHIL si dating Pasig City Mayor Mario Raymundo.
Agarang naghalalan kasama si baseball great Filomeno “Boy” Codinera.
Iniwanan kasi ni ex-Manila Rep. Harry Angpin ang liderato ng ASAPHIL, kaya’t sinagpang agad ni Raymundo.
Pinag-aagawan din ang liderato sa ASAPHIL, kasi’y nakakokobra ng pondo ang mga ito mula sa Philippine Sports Commission (PSC), tuwing may international competition.
Alam naman natin, “palakasan” ang release ng pondo sa PSC.
At iyan ay isa sa mga “simpleng raket” ng mga sports leaders.

-----$$--
NAWAWASAK rin ang Philippine Bowling Congress (PBC), NSAs naman para sa bowling.
Ito ay dahil sa mga palpak na pangangasiwa ng mga NSAs officials.
Matagal nang inirereklamo ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno ang mga bowling officials pero hindi pa rin nareresolba ang mga problema.
Nakakaangat at nahasa si Paeng, hindi sa tulong ng PBA, kundi sa personal na pagsisikap at mula sa tulong nga pribadong sektor partikular ang pamilya Puyat.
------30----

Monday, May 08, 2006

PINAS SPORTS column

From: Rainier Francisco, KADYOT-KALIKOT


Head: Sugal ang susi

INAASAHANG maibabalik ni Manny Pacquiao ang Golden Age ng boxing sa Pilipinas sa taong ito.
Marami ang naniniwala na isang “palabas” lang ang laban ni Pacman kontra kay Oscar Larios.
Malabong manalo si Larios at nagiging delikadong kalaban lang siya mula sa “press release” ng mga bayarang writers upang dumugin ng tao ang Araneta Coliseum.
Kapag kasi lumitaw sa media na mahinang klase si Larios, hindi ito panonoorin at magkakasya na lamang ang mga “rich” sa telebisyon.
Sa bagay, buhay na buhay ang mga ilegalista sa bansa kaya’t walang duda na mapupuno ng mga “lords” ang ring side ng Big Dome—drug lord, gambling lord, prostitution lord, human trafficking lord, at iba pa.
Kumbaga, kahit TSONGGO—ang isagupa kay Pacman, panonoorin pa rin ng mga “GALIT SA PERA”.

----$$--
ALAM ba ninyong nabuhay ang boxing dahil sa “illegal gambling”.
At sa maniwala kayo o sa hindi, garapalan ang pustahan sa Araneta Coliseum, higit pa sa dambuhalang cockfighting derby.
Sino ngayon ang maysabi na bawal ang sugal?
Kung walang pustahan ang mga “boxing matches” sa Visayas at Mindanao—walang isisilang na Manny Pacquiao at kahit pa Flash Elorde.
Hindi matanggap ng mga nagtitinu-tinuan na ang “sugal” ay bahagi ng tradisyon—hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

----$$--
BAKIT ba sumikat ang isang Efren “Bata” Reyes, Django Bustamante, Amang Parica at iba?
Iyan ay dahil din sa lantarang pustahan sa billiard hall.
Alam yan ng mga apisyonados.

---$$--
PAANO sumikat si Paeng Nepomuceno?
Aba’y big time din ang pustahan sa bowling!

-----$$--
KAHIT ang damit ni Jesus Christ ay pinagpustahan ng mga Eskriba’t Pariseo.
Matanda pa sa kahit saang gobyerno ang sugal.
Hindi maaaring manatiling illegal ang sugal sa habang panahon!
Pustahan tayo!
------30---