banner/saksi: 3 THAI OLYMPIC MEDALISTS SABAK SA SEAG
ILALAHOK ng powerhouse na Thailand ang tatlo sa
nag-uwi ng medala noong nakaraang taong Athens
Olympic upang idiskaril nito ang paghahangad ng host-Pilipinas na maghari sa
darating na 23rd Southeast Asian Games.
Ayon kay Dr. Supitr Samahito, ang chef de mission ng
Thailand, sa isinagawang farewell dinner para sa mga
SEA Games heads of delegation, isasama nila ang
tatlong weightlifters na nag-uwi ng isang Olympic gold
at dalawang tanso upang paigtingin ang labanan at
bigyang prestihiyo ang kada dalawang taong torneo.
“Yes, we will send three of our Olympians. It will be
part of their preparation to the coming Asian Games in
Doha, Qatar next year and also in the coming Beijing
Olympics in 2008. Also, to add glitter to your staging
of the Games,” sabi ni Samahito.
Matatandaang humablot ang Thailand ng limang medalya
sa women’s weightlifting sa Athens noong nakaraang
taon at muli ay ipapadala nitoa ng humakot ng ginto sa
165 lbs kategorya na si Pawina Thongsuk, si Aree
Wiratthaworn na nagwagi ng tanso sa 106 lbs at si
Wandee Kameajon na ang-uwi din ng tanso sa 128 lbs.
Ang Thailand, na siyang kauna-unahang bansa sa SEA na
nagwagi ng ginto sa Olimpiada, ay hindi pa naman umano
nakakapgdesisyon kung ipapadala nitoa ng taekwondo jin
na si Yaowapa Boorapoichai na angwagi ng tansong
medalya sa Athens sa women's flyweight.
Ang Vietnam, na siyang nagtatanggol na overall
champion, ay hindi naman ipapadala ang kanilang
taekwondo jin na nagbigay din sa kanila ng tansong
medalya sa Olympics dahil sa kakakasal pa lamang nito
noong nakaraang buwan. ANN ENCARNACION
-30-
banner/bomba): DEVANCE: TOP PICK SA PBL
TULAD ng inaasahan, napili ng Toyota Otis ang 6-7 na
Fil-Am na sentrong si Joe Calvin Devance ng University
of Texas-El Paso bilang top pick sa rookie draft ng
Philippine Basketball League noong Miyerkules sa
Penthouse ng
Philippine Stock Exchange Building sa Pasig City.
Nakuha ng Knights ang serbisyo ni Devance dahil ayon
kay head coach Louie Alas, kailangan siya ng isang
sentro upang tumulong kay Mark Andaya sa inside game
ng koponan.
Ang iba pang mga pambatong draft picks na napili sa
first round ng PBL Rookie Draft ay sina Kelvin de la
Pena ng Harbour Centre, Japeth Aguilar ng Granny Goose
at Tristan Veranga ng Welcoat Paints.
Bukod kay De la Pena na naging Rookie of the Year ng
NCAA noong isang taon, inaasahang kukunin din ng Port
Masters ang ilang mga manlalaro ng University of the
East para mapalakas ang kanilang roster para sa PBL
Heroes Cup tulad nina Marsie Arellano, Bonbon
Custodio, Luis Palaganas at Mark Borboran.
Ang head coach ng UE na si Dindo Pumaren ay magiging
head coach din ng Harbour Centre sa PBL bilang kapalit
ni Tonichi Yturri na nahirang bilang team manager ng
Port Masters.
Gagawin ang opening ng PBL Heroes Cup sa Oktubre 29 sa
La Salle Greenhills Gym sa San Juan at mapapanood pa
rin sa Studio 23 ng ABS-CBN Sports ang mga laro ng PBL
tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
“We decided to name our conference as the Heroes Cup
so that we can honor all Filipinos who deserve to be
heroes,” sabi ni PBL Commissioner Chino Trinidad.
JAIME UY
-30-
TSIKAS AT BOLA (BOMBA LANG)
NI JAMES TY III
MARICAR ALIS NA SA SHOWBIZ
NOONG laro ng Alaska at Sta. Lucia sa PBA Super Fiesta
Conference sa Araneta Coliseum ay nag-usap ang inyong
lingkod sa aktres na si Maricar de Mesa na girlfriend
ngayon ni Don Allado ng Aces.
Sa aming pag-uusap kay Maricar ay sinabi niya sa amin
na tuluyan na siyang magpapaalam sa showbiz dahil
mukhang secure na yata siya kay Allado at kulang na
lang at magpapakasal na ang dalawa.
Tutal, matagal na ang nagiging samahan nina Maricar at
Allado na nagsimula noong 2002 nang mainit pa si
Maricar sa mga sexy movies.
Kaya nga napapansin na namin na hindi na gaanong
aktibo si Maricar sa showbiz at pagkatapos na
sandaling naging semi-regular siya ng Wowowee ng
ABS-CBN ay lie low na siya.
Umalis na si Maricar sa kanyang dating manager na si
Dondon Monteverde kaya hindi na siya masyadong
nagpapakita sa telebisyon.
Dating nagbida si Maricar sa mga pelikulang Bedtime
Stories at Nympha bago siya nagkatuluyan ni Allado.
Sa nabanggit ding laro ay nakita namin si Kyla kasama
ang pamilya ng kanyang boyfriend na si Rich Alvarez na
umiskor ng anim na puntos laban sa Sta. Lucia Realty.
Tulad ng sinabi natin noon, wala nang makakapigil sa
relasyon nina Kyla at Alvarez na nagsimula noong isang
taon.
Siyanga pala, wala si Kyla sa susunod na laro ng
Alaska laban sa Red Bull sa Linggo dahil nasa Davao
City siya kasama ang iba pang mga artista ng GMA-7
para sa Grand Kapuso Fans Day na gagawin doon.
-30-
SPORTSLIFE (SAKSI LANG)
ED ROQUE
MAINGAT NA SI PACQUIAO
HANGGANG ngayon ay malabis na dinramdam pa ni Manny
Pacquiao ang masakit na katalunang sinapit niya noon
sa kamay ni Erik Morales ng Mexico. Ito'y sa kabila ng
katatapos pa lang na panalo niya na masasabing isang
very convincing victory laban sa isang African na si
Hector Velasquez via 6th round knockout.
Sa ilang mga huling pahayag ni Manny, sa nalalapit na
pagsisimulang raw muli ng kanyang training para sa
kanilang rematch ni Morales sa Enero 21 ng papasok na
taong 2006, hindi na lamang basta papasukin sa loob ng
kanyang training camp sa US ang mga boxing fans dahil
may hinala siya pati na ng kanyang goreign coach and
trainer na si Fredie Roach and his staff, na may mga
nag-eespiyang mga mexicans sa kanyang training. Ito
raw ang nangyari bago dumating ang laban nila noon ni
Morales kaya halos lahat ng kanyang style at taktika
sa laro ay tila nakunan ng footage sa panahon ng
kanyang pagsasanay.
Tiniyak ni Manny sa harap ng media na isang malaking
paghihiganti ang kanyang isasagawa sa muli nilang
pagsasagupa at halos ay siguruhin niya sa lahat ng
naroon na mababawi niya ang kanyang katalunan noon kay
Morales.
SUBHEAD):
PARANGAL NI PGMA
SAMANTALA, nasaksihan natin ang naging napakarangyang
parangal na ginawa sa bansa para sa tatlong victorious
Pinoy boxers na sina Pacquiao, Ray “Boom Boom”
Bautista at Brian “The Hawaiian Punch” Viloria lalo na
ang ginawa ng Pangulong GMA sa tatlo nang bumisita
sila sa Malakanyang.
Masidhing pinapurihan ng Pangulo ang tatlong boxers na
aniya'y isanng magandang halimbawa nng tapang at
kabayanihan ng mga Pilipino. Ang pang-welcome sa tatlo
ay maihahalintulad sa isang red carpet welcome na
ginagawa lamang ng Palasyo sa mga bumibisita ritong
heads of state.
Kaya lang, sa isang bahagi ng speech ni PGMA ay
naihalintulad niya ang nakuhang karangalan ng tatlong
boxers sa bagong Pinay Miss International na si
precious Lara Quigaman at kay Alex Pagulayan na isang
Fil-canadian billiards player na naghatid din ng
karangalan sa bansa.
Pero ang malungkot, nakalimutan ng Pangulo na bago si
Pagulayan y dapat naalala niya ang dalawa pang
legitimate at purong Pinoy na hinahangaan sa digdig sa
larangan ng bilyar-sina Efren “Bata” reyes at
Francisco “Django” Bustamante, na kapwa naunang
naghatid ng karangalan sa bansa bago pa man lumutang
ang pangalan ni Pagulayan.
-30-
HEAD::FEU: BACK-2-BACK MEN'S VOLLEYBALL CHAMP
NASUWAG ng Far Eastern University (FEU) ang ikalawanng
sunod na UAAP men's volleyball title makaraang gapiin
ng Univerity of Santo Tomas (UST) at makumpleto ang
two-game sweep, kamakalawa sa UP College of Human
Kinetics gym.
Nakuha ng Tamaraws ang tagumpay nang na-block nina
Jessie Lopez at Darwin Caganda ang kill ni Growling
Tigers spiker Reny John Balse.
Tinangka ni Charles Reyes na isalba ang bola sa
pamamagitan ng isang dig subalit ito ay na-outside na
siyang naging tungtungan upang iselebra ang ika-25
kampeonato ng FEU ang winningest men's volleyball
squad ng liga.
Puso na ng player ang nagpanalo sa amin, bakita namin
na kontrolado na namin ang tempo ng laro sa fourth
set,” wika ni Tamaraws mentor George Pascua.
Sa isang eror ni Robertly Boto ay lumapit ang FEU sa
pagkopo ng fourth set,24-22, nang nakakuha ang UST ng
malaking break nang makagawa ng service error si Jan
Penaranda upang makalapit ang Espana spikers sa 23-24.
Malaking susi sa kabiguan nng Growling Tigers ay ang
kabiguan nilang masawata ang matinding opensa nina
Edjet Mabbayad,best spiker at tournament Most Valuable
Player Jeremy Pedegrosa at Jun-jun dela Cruz sa
krusyal na fourt set na siyang dahilan upang makontrol
ng Tamaraw ang tempo ng laro.
Nakuha ng UST ang first set makaraang basagin nina
Carlo Lubi t Bong Boongaling ang 23-all na pagtatabla
sa pamamagitan ng dalawang sunod na kills.
Nakabawi ang FEU sa second set nang nagbida sa
matinding pag-atake sa net sina Pedegrosa at Caganda
upang iltag ang 24-28 bentahe.
Huling naitabla ang talaan sa fourt set,13-all nang
magsanib ng puwersa sina dela Cruz at Pedegrosa upang
gibain ang depensa ng Growling Tigers at kunin ang
20-16 bentahe.
Nakumpleto naman ng La Salle ang 'three-peat' sa
women's division makaraang pataubin ang
Adamson,25-18,19-25,25-17,25-21 kung san tinanghal si
Desiree Hernandez na naglalaro sa kanyang huling taon
sa Lady Archers,bilang MVP. GEN PASTORFIDE
-30-